Lugar sa Pilipinas na target ng hypersonic missile ng China, karamihan ay nasa Luzon – Sen. Imee Marcos

Tinukoy ni Senator Imee Marcos na nasa Luzon ang karamihan ng lugar na umano’y puntirya ng hypersonic missile ng China.

Ayon kay Marcos, sa 25 lugar na target ng missiles ng China, siyam dito ay mga EDCA sites na pinagtayuan ng military bases para sa mga sundalong Pilipino at Amerikano sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Samantala, pito naman sa mga ito ay sub-sites ng EDCA habang dalawa lang ang nasa Mindanao na matatagpuan sa Zamboanga at Cagayan de Oro.


Sinabi ni Marcos na hindi lang klaro kung kasama rito ang National Capital Region (NCR) pero malapit ito sa Cavite na may kampo ng militar kaya hindi malayong madamay kung sakaling totohanin ng China ang pagpuntirya sa bansa gamit ang mga hypersonic missiles.

Ang nalaman na plano ay may kaugnayan aniya sa tumitindi pa ring sitwasyon ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments