LUGI NG BENECO, HIGIT P120 MILYON!

Baguio, Philippines – Sa halos tatlong buwang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ), na nagsimula noong Marso hanggang sa simula ng Hunyo, naitala ng ahensya ng Benguet Electric Cooperative (Beneco) ang nasa higit na P126-milyon ang nawalang revenue o halos pagkalugi na base sa monthly projection ng ahensya bago pa ideklara ang ECQ, ayon yan kay Beneco officer-in-charge, Engineer Melchior Licoben.

Dagdag pa nya, na nasa 19% ang sales at Revenue o nasa higit P30 milyon dagdag pa nito ang kasalukuyang pagpapasuspindi ng serbisyo at buwanang pagkolekta ng bayad ng ilang mga business establishments kasama na ang  Beneco, Baguio Water District (BWD) at City Treasurer’s Office, para magbigay daan at tulong sa mga kapos at apektado ng Luzon-wide ECQ.

Ito ang pangatlong pagkakataon na nakaranas ng danyos sa revenue ang ahensya. ang una ay noong Hulyo 16 1990 sa kasagsagan ng lindol kung saan inabot ng apat na taon bago bumalik sa normal ang kanilang sales & revenue pero nangyari muli ang pagkalugi ng ahensya noong 2004 sa kasagsagan naman ng meningococcemia scare kung saan dalawang buwan naranasan ang pagbaba sa sales & revenue ng ahensya.


Facebook Comments