Posibleng umabot sa 1.2 billion pesos ang malulugi ng coffee industry sa Batangas at Cavite kasunod ng pagputok ng bulkang taal.
Ayon kay Philippine Coffee Board Inc. (PCBI) Director Rene Tongson – 600 million pesos na ang nawala sa kanilang kita na inaasahang papalo pa sa 1.2 billion pesos.
Dahil dito, posibleng abutin pa sila ng dalawang taon bago maka-recover sa malaking pagkalugi.
Matatandaang unang ipinakilala ng mga kastila sa Lipa, Batangas ang liberica o tabaco tree na kumalat na sa kalapit na lugar at nagkaroon na ng maraming plantasyon.
Facebook Comments