Lugi sa ekonomiya dahil sa mga flood control projects, umabot ng higit P118 billion

Tinatayang aabot sa P118.5 billion ang nawalang kita sa ekonomiya ng bansa mula 2023 hanggang 2025 dahil sa mga maanomalyang flood control projects.

Ito ang inamin ni Finance Secretary Ralph Recto sa budget briefing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senado para sa 2026 National Expenditure Program (NEP).

Katumbas aniya ang pagkalugi na ito ng 95,000 hanggang 266,000 trabaho na dapat sana’y napakinabangan ng mga Pilipino.

Sinabi ni Recto na ito ang dahilan kaya sinusuportahan nila ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na busisiing mabuti ang national budget.

Dagdag pa ng Kalihim, inihanda nila ang 2026 national budget kung saan titiyakin na ang mga proyektong popondohan ay mararamdaman ng taumbayan.

Facebook Comments