Lugi sa ekonomiya ngayong taon, posibleng pumalo sa ₱3.4 trilyon

Posibleng pumalo sa ₱3.4 trilyon ang nalugi sa ekonomiya ng bansa ngayong taon ayon sa isang mambabatas.

Paliwanag ni Marikina City Representative Stella Quimbo, malaking dahilan nito ang nagpapatuloy na COVID-19 pandemic at ang mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay Quimbo, dahil lamang sa pananalasa ng mga bagyo nitong nakalipas na buwan ay tinatayang nasa ₱100 billion na agad ang naiwan nitong pinsala.


Facebook Comments