Luis Manzano, itinanggi na nagkakalabuan na sila ni Jessy Mendiola

Manila, Philippines – Nagsalita ang TV host/actor na si Luis Manzano sa napapabalitang nagkakalabuan na sila ng girlfriend na si Jessy Mendiola.

Nangamusta ang ina ng aktor na si Lipa Representative Vilma Santos kung totoo nga ba ang balita na nagkakalabuan sila ni Jessy.

Chika ni Luis, huwag agad-agad papaniwalaan ang lahat ng nakikita at naririnig sa internet dahil hindi naman komo isinulat ay totoo na agad, sadyang malisyoso lang talaga ang gumagawa ng mga issue.


Pinabulaanan din ni Luis na kaya nasa Korea si Jessy ay para sa trabaho hindi para gumala kaya dinepensahan niya ang dalaga laban sa basher na nagsasabi na nakuha pa raw gumala ni Jessy gayoong naaksidente na ang aktor.

Dagdag pa ng aktor na sinabihan pa nga niya si Jessy na sulitin o mag extend pa dahil minsan lang ang makapunta sa Korea ng libre.
DZXL558

Facebook Comments