Luis Manzano, nasorpresa sa kayang gawin ni Jessy Mendiola

Namangha ang TV host-actor na si Luis Manzano sa kayang gawin ng kanyang girlfriend na actress-model na si Jessy Mendiola.

Mag-isa kasing inorganisa ni Jessy ng isang reggae-themed rooftop surprise birthday party para kay Luis.

Say ng aktor – napa-elibs siya sa girlfriend dahil napagsama-sama niya ang lahat ng mga malalapit na kaibigan, kanyang magulang at kamag-anak para sa kanyang 38th birthday nitong linggo.


Nagpasalamat naman si Luis sa ginawa ni Jessy dahil sa ibinigay na kaligayahan.

Facebook Comments