LULUBOG-LILITAW | Mga kolurom na FX at UV Express, balik normal na naman sa Lawton

Manila, Philippines – Balik sa maliligayang araw na naman ang mga FX at UV Express sa Lawton matapos alisin ng mga tauhan ng MMDA at Manila Traffic Parking Bureau noong ASEAN.
Umapela ang mga motorista kay Manila Mayor Joseph Estrada na muling mag-operate at tanggalin ang mga kolurum na mga FX at UV Express sa Lawton na matagal ng inirereklamo pero wala umanong ginagawang aksyon si Brgy. Chairwoman Ligaya Santos sakabila ng panawagan ng mga residente at motorista sa lugar.
Matatandaan na umani ng mga batikos sa Social Media ang pamamayagpag ng mga kolurom na FX at UV Express pero wala ginagawang aksyon ang Manila City Government maging si chairwoman Ligaya Santos sa naturang reklamo.
Umaasa ang mga residente ng Manila na pagtuunan ng pansin ni Mayor Estrada at Barangay chairwoman Santos ang naturang problema dahil sa napaulat na pinagkakakitaan umano ng ilang mga pulis Manila at Barangay opisyal ang mga kolurom na FX at UV Express sa Lawton, Intramuros, Manila.

Facebook Comments