LUMABAG | 300 establisyimento sa Boracay, inisyuhan ng paglabag sa environmental laws

Boracay – Matapos pagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, 300 establisyimento sa isla ng Boracay ang inisyuhan ng paglabag sa environmental laws dahil sa kawalan ng sewage system.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, nais ng Pangulo na magkaroon ng sariling waste treatment facility ang bawat establisyimento sa isla.

Maliban rito, malaking problema rin aniya ang dumaraming illegal settlers kaya kasama ito sakanilang tutugugan.


Binanatan rin ni Cimatu ang tila walang pakundangan pagbibigay ng building permit sa isla.

Sinabi pa ni Cimatu na habang may rehabilitasyon ay hindi muna mag-iisyu ang DENR ng Environmental Compliance Certificate.

Facebook Comments