LUMABAG | Atty. Topacio, planong ipa-disbar ng tinaguriang ‘Makabayan four’

Manila, Philippines – Plano ng tinaguriang Makabayan four na ipadis-bar si Atty. Ferdinand Topacio dahil sa paglalagay nito ng P1 milyon reward kapalit ng pag-aresto sa mga ito.

Bukod rito, ayon kay Atty. Rachel Pastores, pinag-aaralan din nilang kasuhan ng sibil si Topacio dahil lumabag ito sa kanyang tungkulin bilang isang abogado.

Meron kasi aniya silang Code of Professional Conduct na sa tingin niya ay nilabag ni Topacio.


Kukuwestiyunin din nila ang motibo at intensiyon ni Topacio dahil wala naman itong kinalaman sa kaso at lalong hindi siya ang legal counsel ng complainants.

Giit pa ni Pastores, sa katunayan si Topacio ang dapat na imbestigahan at hindi ang judge na nagbasura ng warrant of arrest laban kina National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza, dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano dating mga mambabatas na sina Satur Ocampo at Teddy Casiño.

Matatandaang ibinasura ng Cabanatuan City Regional Trial Court ang kasong double murder laban sa Makabayan four dahil sa kawalan ng basehan.

Facebook Comments