Manila, Philippines – Ibinunyag ng Lawyers for Commuters’ Safety and Protection ang pagpalabas umano ng show cause order ang pamunuan ng LTFRB laban sa bagong accredit na Transport Network Company (TNC) na Hype Transport Systems, Incorporated.
May kinalaman umano ito sa kaparehong reklamo sa Grab Philippines partikular ang akusasyong nagpapataw din ng iligal na singil ang Hype na P2.00 per minute charge nang hindi aprubado ng regulatory board.
Sinasabing isang ‘concerned citizen’ ang nagsumbong na inaksiyunan naman agad ng ahensya sa pag-isyu ng SCO laban sa kumpanya.
Ang Hype ay kabilang sa mga bagong local TNC players na itinatag noong Abril upang maiwasan ang monopolya nang bilhin ng Grab ang operasyon sa Southeast Asia ng US-based transportation company na Uber.