LUMABAG | Grupong Bayan, handang pangunahan ang pagsasampa ng kaso laban sa ERC

Manila, Philippines – Handa ang grupong Bagong Alyansang Makabayan na pangunahan ang pagsasampa ng kaso laban sa pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa muli nitong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon kay Representative Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna, pinakakasuhan ng house committee on good government and public accountability at ng committee on energy matapos lumabas sa kanilang imbestigasyon ang pagsuspendi ng ERC sa competitive selection process.

Tinukoy dito ang pinal na ulat ng ERC resolution no. 1, series of 2016 na tinawag na hindi makatwiran.


Ayon kay Zarate , nagresulta ang desisyon na ito ng ERC sa tinatawag na Meralco ‘sweetheart deals’ sa pagsipa ng mataas ang presyo ng kuryente.

Pitong Power Supply Agreements o PSA na pinasok ng Meralco sa pagmamay-ari rin nilang power plants ay nagresulta sa overpriced power rates na aabot sa P5.12 per kilowatt-hour o sobra ng P1.45/kwh.

Malinaw anila itong paglabag sa pangunahing layunin ng Electric Power Industry Reform Act na magkaroon mababang presyo ng kuryente sa pamamagitan ng open at competitive selection process ng power suppliers.

Matatandaang dati nang ipinasibak ng Ombudsman ang maraming opisyal ng ERC dahil sa kahalintulad din na paglabag sa RA 3019 na nakabinbin ngayon sa court of appeals matapos iaapela ang naturang desisyon.

Facebook Comments