Manila, Philippines – Mahigit 1,500 na mg dayuhan ang naipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) noong 2017 dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Laws.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang kabuuang 1,508 dayuhan na ipinatapon sa labas ng bansa ay halos apat na beses na mas mataas kumpara noong 2016 na umabot lamang sa 400.
Kabilang sa mga naipa-deport ay ang 232 pugante na wanted sa kani-kanilang bansa dahil sa iba’t-ibang mga krimen.
Ilan naman sa deportees ay overstaying, nagta-trabaho sa bansa nang walang permit, undocumented at undesirable alien.
Ayon sa BI, 1,145 sa mga ipina-deport ay mga Chinese National na naaresto noong 2016 sa Fontana Hotel sa Clark, Pampanga dahil sa illegal online gaming.
Nangunguna ang mga Chinese sa mga dayuhan na ipina-deport , pangalawa naman ay Korean Nationals na 115; pangatlo ay Indians na may 33; mga Amerikano ay 29; nasa 13 naman ang Vietnamese habang ang mga Japanese naman ay labing isa.