LUMABAG | Higit 200 establisyimento sa Boracay, pinagmumulta

Pinagmumulta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasa 209 establisyimento sa Boracay ng kabuoang ₱43 million.

Ayon sa Pollution Adjudication Board ng DENR, lumabag ang mga ito sa environmental laws sa ilalim ng clean air act at clean water act.

Sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu – bawat establisyimento ay may multa na mula ₱10,000 hanggang milyon depende sa bigat ng paglabag.


Dagdag ni DENR Undersecretary Rodolfo Garcia – ipinadala na ang mga penalty notices sa mga may-ari ng establisyimento.

Babala pa ni Garcia, tanging mga establisyimento na nakapagbayad ng multa ang papayagang makapagproseso ng kanilang permit to operate.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang rehabilitasyon ng Boracay kahit binuksan na ito sa publiko.

Facebook Comments