Manila, Philippines – Nasa 32 establisyimento sa El, Nido Palawan ang
binigyan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng
eviction order.
Ito ay matapos silang lumabag sa three meter easement zone mula sa dagat.
Bukod pa rito ang mataas na lebel ng coliform o bacteria na nakukuha sa
dumi ng tao o hayop.
Ayon kay Felizardo Cayatoc, ng DENR Palawan, kailangan mag-demolish ang
nasabing mga establisyimento sa loob ng 30 araw.
Umapela naman ang mga may-ari ng 32 establisyimento na paluwigin ang
kanilang palugit hanggang sa matapos ang tag-init.
Facebook Comments