Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni Eastern Police District ni Acting District Director, P/Sr. Supt Bernabe Balba EPD na umaabot na sa 3,865 ang kanilang naaaresto sa kanilang kampanya kontra sa mga lumalabag sa City Ordinances sa buong Metro East mula sa June 23, 2018 hanggang June 30, 2018.
Ayon kay P/Sr. Supt. Balba, ang EPD sa pamamagitan ng PaMaMariSan o Pasig, Mandaluyong, Marikina, at San Juan City Police Station ay nakaaresto ng kabuuang 84 personsonalidad na umiinom sa pampublikong lugar; 1, 652 personsonalidad na naninigarilyo sa public places; 334 pagala gala na nakahubad pang itaas ; 143 minor de edad na lumabag sa curfew hours, at ; 1, 652 sa iba pang mga paglabag.
Paliwanag ni Balba, sa 3,865 na naaresto sa paglabag sa City Ordinances 1,894 ang binalaan at ang 1,954 ay pinagmumulta.
Dagdag pa ng opisyal na ang EPD ay tuloy-tuloy ang kanilang gagawing mahigpit na pagpatutupad ng mga City Ordinances sa pakikipag ugnayan nila sa Local Government Units ng Pasig Mandaluyong, Marikina at San Juan City upang mapanatili ang kanilang in mission ng gawing ligtas na manirahan sa lugar, magtrabaho at magbusiness sa Metro East.