LUMABAG | Ilang construction projects sa Makati, ipinatigil

Makati City – Naglabas ng Notices with Stoppage Order ang Office of the City Building Official ng Makati para sa 21 construction projects sa lungsod na natuklasang hindi sumusunod sa National Building Code of the Philippines o P.D. 1096.

Ang pagpapatigil ng mga proyekto ay nagsisilbing paalala sa lahat na ang pagpapatayo o paggawa ng anumang istraktura, residential man o pang-komersyo na kinakailangang sumunod sa batas.

Ilan sa mga naisyuhan ng stoppage orders ang mga sumusunod na barangay: Cembo, East Rembo, West Rembo, Palanan, Kasilawan, Poblacion, Pinagkaisahan, San Isidro, San Lorenzo, Guadalupe Nuevo, Pitogo, Bangkal at San Antonio.


Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na kailangang kumuha muna ng building permit bago gumawa ng construction o renovation upang makatiyak na pasado ito sa safety standards na itinakda ng batas.

Mahigpit din ang pagpapatupad ng National Building Code at iba pang batas na nagsusulong ng kaayusan at katahimikan bilang bahagi ng citywide advocacy para sa resilience at sustainability.

Ang work stoppage order ay may bisa hangga’t makakuha ng mga kaukulang permit ang may-ari ng mga ito.

Facebook Comments