Manila, Philippines – Nagpataw ang Presidential Electoral Tribunal (PET) ng 50,000 pesos na multa sa kampo nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos.
Ito ay dahil sa pagtalakay sa publiko ng kanilang nakabinbing election protest.
Kinumpirma ni acting Chief Justice Antonio Carpio ang fine imposition pero wala pang inilalabas na resolusyon ang PET hinggil dito.
Nitong Pebrero, inatasan ng Kataas-Taasang Hukuman sina Robredo at Marcos na tumalima sa sub-judice rule para sa kanilang protest at counter-protest.
Sa ilalim ng gag order, ang mga kampo nina Marcos at Robredo ay ipinagbabawal na magbigay ng komento o pahayag tungkol sa proceedings ng kanilang pending disputes.
Facebook Comments