LUMABAG? | Kongresista, ibinulgar ang kwestyunableng mga biyahe ni CHED Chair Patricia Licuanan

Manila, Philippines – Ibinulgar ni PBA PL Representative Jericho Nograles ang paglabag ni CHED Chairman Patricia Licuanan sa kanyang mga biyahe sa abroad.

Sa inilabas na impormasyon ng kongresista, walong beses na bumayahe sa abroad “On Official Capacity” si Licuanan na wala man lamang isine-secure na travel authority sa tanggapan ng Pangulo.

Sa halip na mag-secure ng travel authority ang CHED Chairman sa Office of the President salig na rin sa EO 456, itinalaga ni Licuanan ang sarili bilang approving authority sa kanyang sariling request na “Authority to Travel Abroad”.


Sa ilalim pa ng EO, ang CHED bilang attached agency ng Office of the President ay obligadong magsumite ng travel authority gayundin ang lahat ng myembro ng gabinete na may kaparehong rank.

Malinaw aniya ang “usurpation of powers” o pagmamalabis sa paggamit ng kapangyarihan ni Licuanan matapos na i-otorisa ang sariling byahe sa abroad.

Bukod dito, umabot sa P893,102 government funds ang ginastos sa pitong official business travel at isang personal na biyahe ni Licuanan.

Facebook Comments