Manila, Philippines – Ipinasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang limang provincial bus terminal sa Cubao, Quezon City dahil sa paglabag sa “nose in, nose out” policy.
Sa ilalim ng “nose in, nose out” policy, kinakailangan ng mga terminal ng wastong pasukan at labasan para hindi magdulot ng trapiko sa Edsa.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, kabilang sa mga ipinasara ang mga terminal ng Del Monte Land Transport Bus (DLTB) dahil sa kawalan ng lagusan sa likod ng terminal.
Kawalan din ng tamang lagusan ng bus ang dahilan ng pagtigil ng operasyon ng Lucena Lines at ALPS bus company.
Habang mismong ticketing office naman ang isinara sa dalawang terminal ng Raymond Transportation.
Nabatid ma halos isang taon ang ibinigay ng MMDA sa mga terminal para makasunod sa “nose in, nose out.” policy.