LUMABAG | Luxury vehicle ng pinatalsik na si dating CJ Sereno, labag sa Government Procurement Reform Act

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ng Commission on Audit (COA) na labag sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ang pagbili ng Korte Suprema sa luxury vehicle ng pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa apat na pahinang memorandum na ipinadala ng Commission on Audit (COA) sa tanggapan ni acting Chief Justice Antonio Carpio, nakasaad dito na ang pagbili sa Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga ng 5.1 million pesos ay taliwas sa itinatakda ng Internal Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 9184.

Ipinaliwanag pa ng COA na ang presyo ng SUV ang ginamit na batayan sa approved budget for the contract nang walang market analysis ay labag din sa revised IRR ng RA 9184.
Lumalabas na dahil dito, napagkaitan umano ang iba pang supplier na makasali sa bidding.


Facebook Comments