LUMABAG | Mahigit 400 mga private security providers sa NCR, ipinasara

Manila, Philippines – Binigyan ng cease to operate o CTO order ang apat na raan limang put dalawang mga private security providers sa National Capital Region.

Ayon kay PNP Civil Security Group Chief, Police Director Camilo Cascolan ipinasara ang mga security agency na ito dahil sa iba’t-ibang paglabag.

Una ay dahil sa hindi makapagrenew ng lisensya ng kanilang mga Security guard at armas ng mga ito.


Pangalawa ay pagkalugi na ng isang security agency at ang iba pang dahilan ay ang paglabag na sa mga panuntunan na ipinatutupad ng PNP Civil Security Group.

Walo sa security agency na isyuhan na ng Cease to Operate o CTO ay ang Defcon Security Agency, 24 oras bantay security services, Goldbrick Security Agency, El grande security agency Inc, Bird’s eye security agency inc, Southern Port security Agency Inc, Overseer Security Agency at Jopra Security Agency.

Sinabi ni Cascolan ang pagiisyu nila ng CTO ay kaugnay sa anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang gunshow sa Davao City na ipasara ang mga security agency na hindi sumusunod sa batas noong May 2017.
Sa maigting na pagiisyu ng CTO ay nagresulta ng pagkakarekober at pagsuko ng 536 na mga long at short firearms.

Sa kabuuan mayroong 1500 na registered security agency sa buong bansa, 900 rito ay nasa National Capital Region.

Facebook Comments