Davao del Norte – Sa ikalawang sunod na linggo, muling inispeksyon ng mga tauhan ng Davao del Norte Provincial Environment and Natural Resources Office ang mga beach resort sa Samal Island.
Hinanap ang permit at environmental compliance certificate ng mga resort.
Tinanong rin ang mga may-ari hinggil sa pagsunod nila sa clean air act, toxic substance and hazardous waste management act, clean water act, at ecological solid waste management.
Sinukat naman ang mga istrukturang pumasok sa easement zone.
Base sa comprehensive land use plan zoning ordinance ng isla, tatlong metro dapat ang easement zone sa urban area habang 10 metro ang easement zone sa tourism coastal area,
Kinumpirma naman ni City Environment Officer na si Arnel Acedillo, halos lahat sa kanilang napuntahan na resort ay lumabag sa easement zone.
Maliban rito, karamihan rin aniya sa mga resort ay hindi alam ang mga environmental laws kaya wala rin silang mga permit na kinukuha.