LUMABAG | Mga eskwelahan sa QC, sorpresang ininspeksyon ng QC Health Department

Manila, Philippines – Kinakitaan ng ibat-ibang paglabag ang school canteen ng Pasong Tamo Elementary School sa isinagawang sorpresang inspection ang Quezon City Health Department sa ilang eskwelahan sa Quezon City.

Ito ay bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan sa Anti-Junk Food and Sugary Drinks Ordinance ng lungsod.

Ayon kay City Health Officer Verdades Linga, maliban sa nakitang mga panindang burger patty, biscuit, mga sitsirya at sweetened juice na nakalagay sa tetra pack, nasilip ang paglabag sa sanitation standards ng kantina dahil sa maruruming kitchen utensils at walang kaukulang business permit.


Tiniketan at minulta ng P1,000 ng Quezon City Health Department ang kantina ng paaralan.

Batay sa datos ng Schools Division office ng Department of Education (DepEd), tumaas ng 1.71 percent ang kaso ng mga Schoolers na obese o mga batang obese o matataba na naitatala mula 2014 hanggang 2017.

Ang obesity ay isa binabantayan na health condition na maaaring mauwi sa non-communicable disease tulad ng hypertension.

Ayon naman kay Kagawad Cedes Madrinico Bisonaya, chairman ng health committee, tutulong sila sa implementasyon ng ordinansa partikular ang paglalagay ng mga tao na magmo-monitor sa 100 meters na itinakda na bawal magbenta sa ilalim ng ordinansa.

P1,000 ang multa sa first offense, P3000 sa second offense at P5000 ang multa sa third offense.

Facebook Comments