Manila, Philippines – Sasampahan na ng kasong kriminal ng Interagency Anti-Arson Task Force (IATF) ang pamunuan ng nasunog na NCCC Mall sa Davao City.
Ayon kay Task Force Deputy Team Leader at Spokesperson Fire Supt. Jerry Candido – isusumite na nila kay DILG Sec. Eduardo Año ang final report ng isinagawa nilang imbestigasyon.
Bukod sa NCCC mall, kakasuhan din ang pamunuan ng Survey Sampling International (SSI) at ang Rockfort Construction Company na siyang kinomisyon ng mall na mag-ayos sa third floor ng gusali kung saan nagsimula ang sunog.
Kasong paglabag naman sa R.A. 3019 o anti-graft and corrupt practices act ang kakaharapin ng mga opisyal ng BFP region 11, Peza at City Building Office.
Sasampahin din ng kasong paglabag sa Fire Code of the Philippine at Falsification of Public Documents ang fire inspectors ng BFP.
Patung-patong na kasi rin ang planong isampa ng task force laban sa ilang opisyal ng lokal na pamahalaan na mapapatunayang sangkot at nagkaroon ng kapabayaan sa insidente.