Lumabag sa curfew, tumakas sa mga pulis, na-aksidente

12

Kalibo, Aklan – Sugatan ang isang 19-anyos na lalaki ng maaksidente matapos tumakas sa mga pulis dahil sa paglabag sa curfew kagabi sa Refulgente Road, Estancia, Kalibo, Aklan. Ang nasabing lalaki ay nakilala kay Philip Cabagbagan at residente rin ng nasabing lugar. Sa report ng Kalibo PNP, na habang nagpapatrolya ang mga ito galing sa Brgy. Tigayon papuntang Poblacion pasado alas 10:00 ng gabi ay kanilang nasalubong si Cabagbagan na nagbibisekleta at pa zig-zag na ang takbo. Nilapitan sya ng patrol at ng makatunog na may pulis ay mabilis nitong pinatakbo ang sinasakyang bisekleta at pagdating sa lugar ay naaksidente ito. Napag-alaman naman na nakainum pa ito ng alak. Agad naman syang dinala ng mga pulis sa opisina nga MDRRMO para mabigyan ng paunang lunas at pagkatapos ay dinala sa police station at tiniketan sa paglabag sa curfew at kanina itinurn-over ito sa Brgy. Estancia para sa kanyang community service.

Facebook Comments