LUMABAG SA GUN BAN SA PANGASINAN NASA 49 NA; LTOPF AT FR CARAVAN PATULOY NA ISASAGAWA

Pumalo na sa 49 indibidwal ang lumabag sa ipinatutupad na gun ban sa Pangasinan simula noong ika-9 ng Enero hanggang ika-12 ng Abril.
Ayon kay PMaj. Katelyn Awingan, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, ang mga ito ay nahuli sa Oplan Sita, checkpoint at buy bust operation.
Nasamsam ng otoridad ang 26 na small firearms, 12 airguns, anim na baril, 10 patalim at 217 piraso ng bala ng iba’t-iba g kalibre ng baril.

Naisampa na ang kaso sa mga suspek na lumabag sa gun ban.
Sinabi ni Awingan,marami rin umanong mga indibidwal ang lumalapit sa pulisya para sa safekeeping ng kanilang mga baril.
Dahil dito, nakatakdang magsagawa ng License to Own and Possess Firearms and Firearms Registration Caravan sa ika-21 ng Abril sa Brgy. Bolo Labrador Pangasinan.
Hinikayat ni Awingan ang mga gun owners lalo na ang mga kandidato sa eleksyon na magpunta sa itinakdang araw para sa nasabing serbisyo publiko. | ifmnews
Facebook Comments