Umakyat na sa 205,916 ang mga nahuli ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa minimum public health safety standard sa buong bansa.
Ang datos na ito ay naitala mula Setyembre 16 hanggang Setyembre 19, 2021 kung saan ipinatutupad ang General Community Quarantine (GCQ) with Alert Level 4 sa Metro Manila habang mas mababang alert naman ang ipinatutupad sa ibang mga probinsya.
Batay sa ipinadalang datos ng PNP, 166,722 violators ay binigyan lamang ng warning habang 27, 497 violators ay pinagmulta.
May 42,793 indibidwal naman ang nahuling lumabag sa curfew nationwide.
Matatandaang sinabi ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar na paulit-ulit na lang ang kanilang paalala sa publiko na sumunod sa quarantine protocols para na rin sa kanilang sariling kaligtasan ngunit marami pa rin sa mga Pilipino ang mga pasaway.