LUMABAN | Retiradong pulis, pinagbabaril ng holdaper

Lipa City, Batangas – Patay ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng mga holdaper sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Supremo Casabuena.

Sa ulat, kauuwi lang ng biktima kasama ang kanyang asawa nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang dalawang armadong lalaki saka nagdeklara ng holdap.


Nanlaban naman si Casabuera kaya siya pinaputukan ng mga suspek.

Matapos makuha ang bag ng kanyang asawa na may lamang anim na libong piso, credit card at cellphone, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima.

Facebook Comments