Koronadal City – Nag-rally kontra New Peoples Army (NPA) ang nasa 50 mga lumad sa Koronadal City.
Ito ang kinumprima ni 33rd Infantry Makabayan Batallion Commander Lieutenant Colonel Harold Cabunoc kaugnay sa pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF ngayong araw.
Aniya nag-aalsa kontra komunistang grupo ang mga tribal leaders ng lumad na sina Bai Nenita Billiones at ka Jason na isang dating rebeldeng NPA.
Galit aniya ang mga iyo dahil sa panlilinlang ng front organization na Kaluhamin para sumama ang tribo nila sa armadong grupo.
Inirereklamo rin ng nga Lumad ang pagkamatay ng mga kapwa nila Lumad dahil sa mga engkwentro.
Samantala ipinagmalaki naman ni Lieutenant Colonel Cabunoc na umabot na sa 203 na mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa Makabayan Battalion mula noong May 2017 at nakatanggap na ng benepisyo sa pamamagitan ng enhanced comprehensive local integration program ng pamahalaan.