LUMAGDA NA | Kasunduan sa pagbili ng SC ng lupain sa Taguig, nilagdaan na

Manial, Philippines – Lumagda na si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa deed of absolute sale ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) para sa biniling higit 21 thousand square meters na lupain sa Philippine Army Security Escort Group Area sa Fort Bonifacio, Taguig.

Itatayo sa nasabing lupain ang bagong Supreme Court Complex na may 9 na palapag para sa 51 tanggapan at 6-storey parking building.

Isinagawa ang paglagda sa deed of absolute sale sa Korte Suprema kung saan inabot na rin ni Chief Justice Bersamin ang checke na nagkakahalaga ng 1.4-billion pesos kay BCDA Chief Executive Officer Vivencio Dizon bilang fullpayment sa lupain.


Lumagda rin sina Bersamin at Dizon ng memorandum of agreement kay Public Works Sec. Mark Villar para sa konstruksyon ng access road patungong C-5 road.

Bukod pa ang kasunduang nilagdaan para naman sa access road mula sa new SC complex patungo sa campus avenue sa Mckinley area.

Target ng Supreme Court na maitayo ang Philippine flag- inspired at solar powered at earthquake proof na gusali sa susunod na taon.

Ang lupain na kasalukuyang kinatatayuan ng korte suprema sa Padre Faura street sa ,Ermita, Maynila ay pag-aari ng University of the Philippines.

Facebook Comments