LUMALA | Climate change, matinding banta sa buong sangkatauhan – UN

Nagbabala ang United Nations (UN) sa patuloy na paglala ng global warming.

Sa UN Climate Change Conference, sinabi ni UN Secretary General Antionio Guterres na nanganganib ang lahat dahil sa patuloy na pag-init ng temperatura ng mundo.

Itinuturing naman ni Naturalist Sir David Attenborough na matinding banta sa sangkatauhan ang climate change.


Samantala, maglalabas ang world bank ng $200 billion o ₱10.5 trillion para pondohan ang mga bansa na gagawa ng hakbang kontra sa pagbabago ng klima.

Facebook Comments