LUMALA | Human trafficking sa Pilipinas lumala ayon sa isang opisyal ng DOJ-IACAT

Manila, Philippines – Aminado ang isang opisyal ng DOJ-Inter Agency Aginst Trafficking (IACAT) na lumalala ang kaso ng human trafficking sa bansa lalo na ang sex trafficking dahil mismo ang mga magulang ang nagbubugaw sa kanilang mga anak sa mga dayuhan .

Sa ginanap na Forum sa Samahang Plaridel sa Manila Hotel sinabi ni DOJ-Inter Agency Council Against Trafficking Assistant Secretary Jovie Ramirez na kaya lumala ang human trafficking sa Pilipinas ay dahil sa mahirap na kalagayan ng mga menor de edad, mga kababaihan at kawalan ng edukasyon.

Paliwanag ni Ramirez ang mga vulnerable community gaya ng indigenous people, mga liblib na lugar at depressed area sa Metro Manila.


Bagaman aniya mayroong consent ay maituturing pa rin na biktima ang mga kababaihang na nahuhulog sa human trafficking.

Dagdag pa ng opisyal na dahil sa kahirapan nagiging kasabwat sa kahirapan na rin ang mga magulang ng mga biktima para malagay sa labag ng alanganinang kanilang mga anak na biktima ng human trafficking.

Aminado si Assistant Secretary Ramirez na dahil sa modernong teknolohiya ay mabilis ngayon ang human trafficking kaya ito ang kanilang tinututukan kung saan kailangan din nila ang tulong ng publiko upang mapigilan ang lumalalang human trafficking sa Pilipinas.

Facebook Comments