LUMALA | Kaso ng dengue fever ngayong taon, tumaas pa – DOH

Manila, Philippines – Tumaas pa ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa ngayong taon.

Sa tala ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Nobyembre, lumobo pa sa 33% ang dengue fever cases.

Ayon sa epidemiology bureau ng DOH, mula January 1 hanggang November 17, nasa 179,540 na kaso ng dengue ang naitala kumpara sa kaparehas na panahon noong 2017 na nasa 135,166 na kaso lamang.


Sumampa sa 907 ang bilang ng namatay dahil sa dengue kumpara sa 710 noong 2017.

Ang Central Luzon ang may pinakamataas na kaso ng dengue na may 27,493 na sinundad ng National Capital Region, Calabarzon, Central Visayas, at Western Visayas.

Muling ipinaalala ng DOH sa publiko ang ‘4s’ strategy upang makaiwas sa dengue – ‘search and destroy’ o hanapin ang pinangingitlugan ng lamok; ‘self-protection’; ‘seek’ o agad magpakonsulta; ‘support’ fogging o pagpapausok sa mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok.

Facebook Comments