LUMALABAN | Epic knife battle ng isang Malaysian chef at Alimango – viral

Panghimagas – Viral ngayon sa social media ang 25-Second Epic Knife Battle ng isang Malaysian Chef sa isang Alimango!

Lulutuin na sana ng Chef ang naturang alimango nang bigla raw itong manlaban.

Sa video, makikita na may hawak na kutsilyo ang alimango na mistulang nakikipag-espadahan pa sa chef na parang ayaw na ayaw talagang magpatalo.


Pero sa bandang huli, binitawan nito ang kutsilyo sabay taas ng dalawa nitong claw o panipit na mistulang senyales naman ng pagsuko.

Hindi naman malinaw kung paanong nakuha ng alimango ang kutsilyo at kung paano ito natutong makipag-espadahan.

Facebook Comments