Lumalakas na panawagan ng iba’t ibang sektor laban sa POGO, dapat dinggin ng mga mambabatas at ng Malacañang

Umapela si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., sa mga kapwa mambabatas at sa ehekutibo na pakinggan ang panawagan ng grupo ng mga negosyante, economic managers at mamamayan.

Kaugnay ito sa lumalakas na panawagang burahin na sa bansa ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs.

Sinabi ito ni Abante makaraang maglabas ng joint statement ang Foundation for Economic Freedom, Makati Business Club, at Management Association of the Philippines.


Kanilang inihahayag ang buong suporta sa pagsusulong ng Department of Finance (DOF) na tuldukan na ang operasyon ng POGO sa Pilipinas.

Ito ay dahil mas matindi ang masamang dulot ng POGO sa ating lipunan at sa mamamayan kumpara sa benepisyong bigay nito sa ekonomiya.

Ayon kay Abante, sa mga pagdinig na isinagawa ng Senado at Kamara ay lumabas ang masamang epekto ng POGO industry kaya hindi dapat panghinayangan ang koleksyon na maaring makuha dito ng pamahalaan.

Facebook Comments