
Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng isang digitally connected na Pilipinas kung saan mas madaling maabot ng bawat Pilipino ang mga oportunidad, mayaman man o mahirap.
Ayon sa Pangulo, malaki ang ambag ng digital economy sa bansa noong 2024 na umabot sa ₱2.25 trilyon o 8.5% ng GDP, at nakalikha pa ng mahigit 11.3 milyong trabaho para sa mga Pilipino.
Kabilang sa mga pangunahing proyekto ng gobyerno ang pagtatayo ng National Fiber Backbone para sa mas mabilis na internet na inaasahang pakikinabangan ng 17 milyong Pilipino pagsapit ng 2028.
Kasama rin dito ang pagpapalawak ng Free Wi-Fi for All, Bayanihan SIM Project para sa mga paaralan at liblib na lugar, at ang pagpapatupad ng Philippine Identification System para sa mas malawak na access sa mga serbisyong pinansyal.
Binibigyang-diin ng Pangulo na ang lahat ng ito ay hakbang para gawing mas inklusibo at handa sa hinaharap ang digital na Pilipinas, at nanawagan siya sa mga pribadong sektor at innovator na tumulong para mas maging malakas ang bansa sa larangan ng financial technology









