Ipinanawagan na lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang aksyon na dapat gawin ng Department of Public Works and Highways sa lumalalang problema sa baha ng ilang barangay sa kanilang bayan.
Inihayag sa naganap na pulong ang hinala nila kung bakit tumataas pa umano ang baha sa bahagi ng Brgy. Amansabina at ilang kalapit na bahagi ay dahil umano sa drainage project na inimplementa ng DPWH.
Ayon naman sa alkalde ng bayan, magpapadala ang kanilang opisina ng formal letter sa DPWH Pangasinan 2nd District Engineering Office para magsagawa ng isang pagpupulong upang magbigay-linaw sa mga posibleng dahilan at iba pang solusyon sa tuhod hanggang bewang na pagbaha sa naturang barangay at iba pang apektadong low lying area nitong Bagyong Nando at Habagat.
Bunsod nito, hinikayat ang mga barangay council na magpasa ng resolusyon na nagpapahayag ng hinaing ng mga apektadong residente upang iendorso ito kasama ng isang formal letter sa tanggapan ng DPWH.
Ilan sa mga naging apektado ng pagbaha na pinalala ng tuloy-tuloy na pag-uulan ay mga bahagi ng Amansabina, portions ng Alitaya, Anolid, Banaoang, Bari, Bateng, Gueguesangen, Guiguilonen, Inlambo, Lanas, Landas, Navaluan, Nibaliw, Osiem, Salaan, Salay, Talogtog, at Tebag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







