Lumalalang tensyon sa WPS, idudulog ni Pangulong Marcos sa ASEAN Summit sa Laos

Inaasahang idudulog ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lumalang tensyon sa West Philippine Sea (WPS) sa back-to-back ASEAN Summit sa Lao People’s Democratic Republic sa susunod na linggo.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu na iuulat ng pangulo ang pinakabagong developments at kaganapan sa South China Sea.

Inaasahan naman na isusulong din aniya ng ASEAN leaders ang pag-resolba sa mga sigalot nang naaayon sa international law.


Matatandaang kung dati ay mga sasakyang pandagat lamang ng Pilipinas ang hinaharass ng China, ngayon ay pinupunterya na rin nito maging ang ating air assets.

Samantala, bukod sa ASEAN summit ay idaraos din ang ASEAN-China Summit, at ang ASEAN Plus 3 Summit kasama ang China, Japan, at South Korea.

Hindi naman makadadalo si Chinese President Xi Jinping pero magsisilbing kinatawan ng China si Chinese Prime Minister Li Qiang.

Facebook Comments