Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon ng failure of intelligence ang Pamahalaan kaya lumala ang problema sa Marwi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya ito sinisisi sa lahat ng Maranao kundi ang mga nakipag sbwatan lamang sa mga teroristang Maute.
Sinabi ni Pangulong Duterte, talagang nagulat ang militar sa dami ng mga naitagong armas at pampasabog ng mga terorista na mukhang hindi nauubusan ng bala.
Inihambing pa ni Pangulong Duterte sa Vietnam War ang giyera sa Marawi dahil sa matinding pagpaplano na ginawa ng mga Maute na nakapaghanda ng matibay na depensa tulad ng paghuhukay ng mga tunnels sa lungsod.
Nabatid na mahigit 2 buwan na ang bakbakan sa Marawi City kung saan umabot na sa 109 na sundalo ang nasawi.
Lumalang problema sa Marawi City, failure of intelligence ayon kay Pangulong Duterte
Facebook Comments