Lumang Bodega ng isang Negosyante, Nasunog sa Aurora, Isabela!

Aurora, Isabela- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa nangyaring sunog sa isang lumang bodega sa Brgy. Sta. Rita, Aurora, Isabela bandang alas 4:20 kaninang madaling araw.

Kinilala ang may- ari warehouse na si Hedelisma Mateo, 58 anyos, biyuda, negosyante at residente sa nasabing lugar at ilan sa mga tenants nito na maswerteng nakaligtas sa sunog na kinabibilangan ng mga magkakapatid na sina Jeremy Salutin16 anyos, Renz Salutin 5 anyos, Erwin Salutin 7 anyos, Jerry Salutin14 anyos at mag-asawang Marites Salutin,46 anyos at Erlenio Salutin 51 anyos.

Batay sa impormasyon na natanggap ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Aurora, hinihinalang natupok ng apoy ang naturang warehouse ng biktima dahil sa faulty electrical wirings.


Sa ngayon ay inaalam pa ng awtoridad ang kabuuang halaga sa nangyaring sunog at pasado 4:50 kaninang madaling araw nang ideklarang fire out ang nangyaring insidente

Nagpaalala naman ang BFP-Aurora na laging suriin ang mga electrical wires upang makaiwas sa sunog.

Facebook Comments