Pinuna ng dating special adviser ng National Task Force against COVID-19 ang late data ng mga kaso ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Dr. Tony Leachon, isa sa mga problema ay ang datos ng DOH na ginagamit bilang basehan kung ano ang quarantine system ang ilalatag sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Hindi rin maunawaan ni Leachon kung bakit hindi maayos-ayos ang problema.
Sinabi ni Leachon na pinakiusapan siyang magbitiw sa pwesto dahil sa kanyang kritisismo sa COVID-19 response.
Wala pang tugon ang DOH hinggil dito, pero una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang tulong mula sa mga kritiko.
Facebook Comments