LUMANG GUSALI NG ISANG PAARALAN SA MAPANDAN, TULUYANG SINIRA NG BAGYONG UWAN

Tuluyang nasira ang isang lumang gusali ng Torres National High School sa Mapandan matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.

Sa mga litrato, tila hindi na kinaya ng bubong ang lakas ng hangin kabilang ang kisame na marahil ay bunsod ng kahoy na suporta nito.

Basag din ang ilang bintana maging ang plywood na divoder ng mga silid.

Agad naman itong pinuntahan ng lokal na pamahalaan upang maaksyonan nang muling magamit ang mga silid aralan.

Samantala, nagppaatuloy ang puspusang paglilinis aa mga kakalsadahan at at iba pang imprastraktura kasabay ng pagtukoy sa kabuuang danyos ng bagyo sa iba’t-ibang sektor upang matulungan ang mga apektado |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments