Manila, Philippines – Muling iginiit ni Supreme Court Administrator court Jose Midas Marquez na lumang isyu ang inihaing reklamo laban sa kanya sa Ombudsman ng isang Rizza Joy Laurea.
Ang nasabing private citizen ang naghain din ng oposisyon sa aplikasyon ni Marquez sa pagka-mahistrado ng Korte Suprema dahil sa isyu daw ng kwestiyonableng procurement sa ilalim ng Judicial Reform Support Project na pinondohan ng World Bank.
Muling iginiit ni Marquez, hindi dumaan sa Office of the Court Administrator ang mga proyekto sa ilalim ng World Bank, taliwas sa inaakusa sa kanya ni Laurea.
Si Marquez ay kasama sa nakakuha ng mataas na boto at nakasama sa shortlist ng Judicial and Bar Council para sa mga pagpipilian ng Pangulong Duterte na ipapalit sa magreretirong si Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco.