Makikipag-ugnayan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga dating opisyal ng mga nakalipas na administrasyon ng bansa.
Ito’y para malaman kung may lumang “commitment” ba ang Pilpinas na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon sa kalihim, sa ngayon kasi ay blangko siya sa dating kasunduan ng bansa sa China pagdating sa Ayungin Shoal.
Pero, sa kaniyang paniniwala ay walang hurisdiksyon ang China sa Ayungin dahil pasok ang Ayungin sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Matatandaang taong 2014, sinabi ni dating Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei na mayroong “commitment” ang Pilipinas na alisin ang BRP Siera Madre sa Ayungin pero hindi naman ito nasunod.
Facebook Comments