LUMANG PERA | BSP, bukas sa December 26 para sa mga gustong magpapalit

Manila, Philippines – Sa kabila ng work suspension sa mga Government Offices sa December 26, mananatiling bukas ang cash department ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa mga nais magpapalit ng lumang pera.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr. – bukas mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali ang Cash Department ng bangko sa Maynila, Quezon City, Regional Offices at Branches.

Papayagan nila ang pagpapapalit ng lumang pera hanggang P100,000 kada-transaksyon.


Matatandaang Oktubre nang i-extend ng BSP ang pagpapapalit ng mga lumang pera dahil sa public demand na magtatapos sa December 29, 2017.

Facebook Comments