LUMANG TUGTUGIN | Kahandaan ni VP Robredo na pangunahan ang oposisyon hindi na bago – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Lumang tugtugin na para sa Palasyo ng Malacanang ang desisyon ni Vice President Leni Robredo na pangunahan ang opposition movement laban sa Administrasyong Duterte.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni VP Robredo na handa niyang pagisain ang mga taga oposisyon at pangunahan ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi na ito nakakagulat dahil si Robredo ang pinakamataas na halal na opisyal ng Pamahalaan na nasa oposisyon.


Pero welcome parin naman ito sa Malacañang dahil naniniwala aniya ang Malacanang na ang aktibong oposisyon ay mayroong mahalagang papel sa malusog at gumaganang demokrasya.

Umaasa din naman aniya ang Malacañang na isusulong ng oposisyon ang responsible at constructive debate patungo sa mas mataas na lebel ng diskurso sa political maturity at ilatag sa mamamayan ang alternatibong plataporma para matugunan ang mga matatagal nang problema ng bayan.

Facebook Comments