Napalitan na rin ang mga lumang battery set para sa Uninterruptible Power Supply (UPS) units sa pitong istasyon ng MRT-3 bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon sa linya ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.
Ang UPS ay isang electrical device na nagsisilbing backup power sakaling magkaroon ng electrical power failure o ng hindi inaasahang pagbaba sa voltage level ng kuryente.
Ito ay mahalagang component ng power supply system ng isang linya.
Nailagay na ang bagong UPS battery set sa mga istasyon ng North Avenue, Quezon Avenue, GMA-Kamuning, Cubao, Santolan, Ayala at Magallanes.
Nauna nang nakumpleto ang paglalagay ng tatlong bagong UPS panels sa mga istasyon ng North Avenue, Shaw Boulevard at Taft Avenue noong nakaraang taon.
Facebook Comments