LUMIKAS | 4,000 tao, lumikas sa panibagong engkwentro ng militar at ethnic insurgents sa Myanmar

Myanmar – Inilikas ang nasa 4,000 tao matapos sumiklab ang panibagong bakbakan sa pagitan ng mga militar at ethnic insurgents sa Myanmar.

Ayon kay United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UN-OCHA) head Mark Cutts, galing ang mga residente sa hilagang bahagi ng bayan ng Kachin.

Hindi pa aniya kasama rito ang nasa 15,000 tao na una nang lumikas noong Enero.


Sa ngayon, aabot na sa 90,000 Internally Displaced Persons (IDPs).

Facebook Comments