LUMIKAS | 64 pamilya, apektado ng pagbaha sa Zambales

Zambales – Lumikas ang animnaput apat na mga pamilya sa ilang lugar sa lalawigan ng Zambales matapos na makaranas ng pagbaha dulot ng walang tigil na pagulan.

Ito ang kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Ricardo Jalad.

Aniya nakaranas ng pagbaha ang mga munisipyo ng Castillejos, at San Antonio sa Zambales dahila para mapilitang lumikas ang mga residente sa lugar na ngayon ay nanatili na evacuation centers.


Patuloy naman ang monitoring NDRRMC upang matukoy ang mga lugar na nakakaranas ng pagbaha upang matulungan ang mga residenteng apektado.

Sa Metro Manila aniya nakipag ugnayan sila sa MMDA ay wala namang namomonitor na mataas na tubig baha dahil sa pabugso bugsong ulan mula pa kaninang madaling araw.

Dagdag pa ni Jalad na sa ngayon wala silang namomonitor na casualty dahil sa pananalasa ng tropical depression henry na sinabayan pa ng habagat.

24 oras aniyang nakamonitor ang NDRRMC operation center sa mga lugar na patuloy ang pagbuhos ng ulan.

Facebook Comments